Bumalik sa aking isipan ang reaksyong aking nasaksihan sa ilang minutong pagtambay ko sa isang bench ng school. Nakaupo lang ako doon at nagmamasid at di nagpapahalatang nakikinig sa mga pinag-uusapan ng mga kalapit ko.
"You know what, nalito ako sa naibigay ni sir na instructiona about sa project natin.", sabi ng isang lalaking naka puting t-shirt na medyo sabik na ibahagi ang kanyang nalaman.
"Ha! Bakit di mo naman sinabi, may naibigay na.", reaksiyon ng isa na parang nagrereklamo.
"Alangan naman sabihin ko sayo lahat na nangyayari sa buhay ko.", sagot ng isa na parang galit din.
Napangiti ako ng marinig ko iyon. Naalala ko ang mga ilang ulit na din na may nagsabi sa akin ng ganon pero iba ang nasagot ko.
Tahimik lang ang isa sabay agaw ng papel na hinahawakan ng isa na naglalaman ng panuntunan ng proyekto. Pinagmamasdan ko sila, masinsinang binasa ang bawat pangungusap. Medyo dinig ko pa ang ibang salita nila pero hindi masyadong maliwanag sa pandinig ko.
Tumayo ako at napangiti sa naisip king ideya.
No comments:
Post a Comment