Sunday, September 13, 2009

Signs ng mga Taong Tataba...


Sa edad namin ngayon, di maipagkakaila na nagbabago na ang metabolismo namin dahil sa edad. Ang iba ay hindi pa nga gaanong apektado pero sa mga nakikilala kong tao, ang mga sumusunod ay mga sintomas ng paglubo or pagtaba ng mga kaibigan ko.
1. Mahilig kumain. Ito ang mga taong mahilig kumain. Dahil sa nagkakapera na ngayon, ang tripping nila ay hanap ng magandang lugar at kakain. Mahilig mag try ng iba't ibang restaurant.
2. Mahilig matulog. Dahil sa may trabaho na, konti nalang ang tulog sa weekdays pero mahaba naman sa weekend. Take note, inaantok ka na palagi pagkatapos kumain or gusto mo matulog pag may vacant time ka.
3. Mahilig ka na uminom ng alak. Kadalasan sa mga lalaki nangyayari ang kasong ito.
4. Di ka kontento sa mga kinakain mo. Dahil sa diet ka, konti lang ang kinakain mo. Pero pag may nakita ka, gusto mo pa talaga kumain. Ang ginagawa mo, tikman mo lang. Di mo alam na kung minsan, madami ka na pala nakain.
5. Tamad ka na maglakad. Gusto mo na ngayon sumakay kasi feeling mo lagi kang pagod. Ang iba nag jogging pero sa normal life nila, hindi sila mahilig mag jogging or maglakad. Ayaw mong umakyat sa mga hagdanan, so mag elevator ka lang kahit na 1 floor lang.

Yan lang muna, kasi di pa pumapasok sa aking isipan ang ibang characteristics ng mga taong nakita kong payat dati pero nagsisimula nang lumalaki ngayon.

2 comments:

azial said...

sir rabby!karelate kaau ko sa imo post..everything applies to me..except the alak thingy..hehehe now i know im not alone..haha

Unknown said...

hehehehehe.... kita ang evidence sa picture.....